PARAÑAQUE CITY – HINDI pinayagan ng Bureau of Immigration (BI) ang pagtungo ng apat na Filipino patungong Libya,
Ang apat ay hinarang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal-1 upang makaiwas ang mga ito sa nangyayaring civil war sa nasabing lugar.
Pasakay na sa kanilang flight patungong Abu Dhabi sa United Arab Emirates nang habulin ng mga BI personnel.
Sinabi ni BI Travel Control and Enforcement Unit (TCEU) Chief Timotea Barizo, nagpanggap ang apat bilang mga turista, upang mamasyal sa UAE bago tumuloy sa Amman, Jordan .
Nadiskubre ni Barizo pagkagaling sa Jordan sasakay ang apat sa kanilang connecting flight papuntang Libya, kung saan magtratrabaho bilang mga aircon technician at pipe fitters.
Sa inisyal imbestigasyon inamin ng apat na-recuit sila ng isang agency na magtrabaho sa Libya sa kabila ng deployment ban na ipinatutupad ng pamahalaan.
Agad naman na pinayuhan ni BI Commissioner Jaime Morente ang kanyang mga tauhan sa airport na maging alerto at ipatupad ang deployment ban sa Libya. FROI MORALLOS