MAS mabilis na ngayon ang takbo ng MRT-3 at mas maikli na ang biyahe at paghihintay ng mga pasahero matapos ang isinagawang rehabilitasyon sa buong linya nito.
Ayon kay MRT-3 Director for Operations Michael Capati, mula 30 kph ay naitaas nila ang bilis ng takbo ng tren sa 60 kph ngayong Disyembre.
“Ikinalulugod naming i-announce sa inyo na nasa 60 kph na po ang aming takbo sa MRT-3. Bagama’t d’yan po tayo naka-focus, kailangan pa ring sundin ang lahat ng health protocols para na rin sa safety ng ating mananakay at mga empleyado ng MRT-3,” wika ni Capati.
Aniya, nagsimula silang mag-rehabilitate na nasa 30 kph lang ang takbo ng tren at nang matapos ang kanilang rehab noong Setyembre, unti-unti ay naitaas ito sa 50 kph noong November at ngayong buwan ay nagsimula na sila ng 60 kph.
Dapat sana ay sa Pebrero pa matatapos ang rehabilitasyon ngunit binilisan ito ng pamunuan ng MRT-3 para sa kapakanan ng mga mananakay.
Samantala, inaasahan ng pamunuan ng MRT-3 na bababa ang average waiting time sa pagitan ng mga tren.
“Ang epekto po niyan maganda. Number 1, ang travel time ng mga pasahero ay iikli. Ang paghihintay between 3.5 to 4 minutes na lang po ‘yan. Dati nasa 8 to 9 minutes po ‘yan,” sabi ni Capati.
Comments are closed.