ZAMBOANGA CITY- MATAPOS ang mahabang panahon bilang tagapagsalita ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), itinalaga bilang jail warden ng Zamboanga City Jail male dormitory si Supt Xavier Solda.
Ang Zamboanga City Jail ang pinakamalaking jail facility sa Western Mindanao na may mahigit 2,000 person deprived of libery (PDL) o mga preso.
Sa isang pahayag, sinabi ni Solda na bukod sa reporma, nais din niyang mangibabaw sa kanyang liderato ang pag-aalaga at pang-unawa sa mga PDL.
Kauna-unahan sa tinanggap na kautusan mula saa BJMP Region 9 ni Solda ang pagpapaigting ng kampanya laban sa mga kontrabando at problema sa matinding siksikan.
Si Solda na dati ring pinuno ng Community Relations Service Office ay pinalitan ni Jail Chief Inspector Jayrex Bustinera bilang bagong tagapagsalita ng BJMP. EVELYN GARCIA