KINUMPIRMA ng Philippine Basketball Association (PBA) na isa sa players nito ang nagpositibo sa COVID-19 sa loob ng bubble sa Clark, Pampanga.
Ginawa ni Bases Conversion and Development Authority President and CEO Vince Dizon ang kumpirmasyon sa isang press briefing, Linggo ng umaga.
Ang player mula sa Blackwater Elite ay dinala sa Athletes’ Village sa New Clark City, kung saan siya isasailalim sa quarantine alinsunod sa protocols ng liga.
Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, ang buong Blackwater team at ang kanilang nakalaban ay inilagay na sa isolation.
Dahil dito, ang laro sa pagitan ng Blackwater at ng Rain or Shine Linggo ng hapon ay kinansela.
Samantala, negatibo na sa COVID-19 ang referee sa PBA bubble sa Pampanga na naunang nagpositibo sa coronavirus at itinuturing na in-dex case.
“Ngayon lumabas both ‘yung antigen and RT-PCR test, negative…The index case (referee) proved to be negative (after initially testing positive),” ani Dizon.
“Kailangang intindihin natin walang perfect na test, puwedeng magkamali. Ang importante, mayroon tayong protocol para i-address ang situation na ganito,” dagdag pa niya.
Comments are closed.