BIGYAN naman natin ng pansin itong si Ricky Maurillo, isa sa players ng Description Soccsksargen Marlins sa Maharlika Pilipinas Basketball League o MPBL.
Pagkatapos na ma-disband ang Marlins ay nakapaglaro siya sa CBA. sa kampo ng PALAYAN, Nueva Ecija na nag-champion silang dalawa ng San Juan Knights. Ngayon ay nais niyang bumalik para muling makapaglaro sa MPBL. Ang problema nga lang ay sa susunod na taon (2021) na rin ang liga ni Sen. Manny Pacquiao na kasama sa naapektuhan ng COVID-19 pandemic.
Habang walang basketball ay tuloy pa rin naman ang pagpapakondisyon niya upang hindi tumaba para kung sakaling puwede na ang mga paliga ay puwede agad siyang sumabak.
Nalulungkot si Maurillo na walang basketball. Malakas ang kutob ng dating player ni coach Ato Tolentino sa UM (Unibersidad de Manila) taong 2006, na babalik din sa normal ang lahat.
Lalong na-inspire si Ricky nang mabigyan siya ng sapatos ng kanyang idol na si Vergel Meneses na ngayon ay mayor ng Bulakan, Bulacan.
Ang minimithi ngayon ni Maurillo ay malinis ang kanyang pangalan sapagkat nasama ang name niya sa mga player na nagbebenta umano ng laro. Hindi sa ipinagtatanggol ko si Maurillo, kilala namin siya at hindi ito ang klase ng player na magbebenta ng laro sa Soccsksargen kung saan apat na beses lamang siyang nakapaglaro. Pagkatapos nun ay ‘di na siya ginamit ng kanyang head coach. Matagal nang pangarap ng player na sumikat o makilala ngunit sadyang mailap ang kapalaran sa kanya. Pero hindi titigil si Maurillo na maabot ang pangarap, kahit pa nahinto ang mga paliga ay tuloy pa rin ang paglalaro niya. Kahit sa gitna ng mainit na kalsada ‘wag lang mawala ang paglalaro ng basketball. Sana sa pagbabalik sa normal ng mga basketball league ay makakuha siya ng team na paglalaruan. Good luck, Ricky Maurillo.
o0o
Negatibo sa COVID-19 ang mga player at utility boy ng Blackwaterr Elite. Kaya naman siyempre ay tuwang-tuwa sina Dioceldo Sy at Soliman Sy sa magandang resulta ng kanilang mga testing. Tapos na ang SMC group at MVP group, lahat naman ay negative.. Congrats, Blackwater Elite..
o0o
Iba rin talaga ang nagawa ng suspension kay Calvin Abueva ng PBA. Ang dating maangas sa pamamahay nila ng kanyang asawang si Sam ay ibang-iba na ngayon. Kung dati rati ay panay lang si Sam ang kumikilos sa kanilang tahanan, ngayon ay katuwang na niya si Calvin. Natuto itong
pahalagahan ang maliliit na bagay. Sa malaking pagbabago ni Abueva ay malaki ang posibilidad na makabalik na ito sa PBA. Ang tanong nga lamang natin, sa mother team pa rin ba siya lalaro o sa ibang team na? Abangan natin ito..
Comments are closed.