BLACKWATER UMALAGWA

BLACKWATER-ELITE-6

Mga laro

sa Miyerkoles:

(Cuneta Astrodome)

4:30 p.m. – NLEX vs Phoenix

7 p.m. – Blackwater vs Magnolia

MATAGUMPAY na naapula ng Blackwater ang mainit na paghahabol ng Rain or Shine sa last quarter upang maitarak ang 99-93 panalo sa PBA Governors’ Cup kagabi sa Sta. Rosa Multi-Purpose Complex sa Laguna.

Nakalapit ang Elasto Painters sa apat na puntos, 94-90, sa tres ni Gabe Norwood. Subalit kinapos ang Rain or Shine upang manatiling walang panalo sa apat na laro at ibigay sa Blackwater ang ika-6 na panalo sa pitong laro.

Tumipa si Blackwater import William Henry Walker ng 14 points at 14 rebounds, habang gumawa si Nards Joh Pinto ng 16 points sa perfect 3 of 3 sa rainbow territory at 6 of 6 sa charity lane. Nagsalo ang dalawa sa karangalan bilang ‘best player of the game’.

Ito ang unang pagkakataon na lumasap ang RoS ng apat na sunod na kabiguan, na nagbigay ng sakit sa ulo ni coach Caloy Garcia.

Dinomina ng Blackwater ang Rain or Shine at hindi na binitiwan ang trangko sa kabila ng pagpupumiglas ng Elasto Painters na makaahon sa kumunoy ng kabiguan.

Nag-rally ang ROS sa third period at dumikit sa 45-47 sa kabayanihan ng dalawang Bicolano na sina Beau Belga at Mark Borboran, may pitong minuto ang nalalabi.

Subalit, napabayaan si Filipino-American Michael Vincent Digregorio na umiskor ng apat na tres sa left wing at tumipa si Pinto ng 7 points, kasama ang tres, at naisalpak ni Allein Maliksi ang dalawang free throws upang i­poste ang pinakamalaking bentahe sa laro sa 71-55.

Sinamantala ng RoS ang pagkawala ni Walker na pinagpahinga ni coach Bong Ramos at tinapyas ang double digit na kalamangan sa 68-74, tatlong minuto ang nabawas sa fourth period.      CLYDE MARIANO

 

Iskor:

Blackwater (99) – Digregorio 17, Pinto 16, Walker 14, Maliksi 13, Zamar 11, Jose 8, Belo 6, Sena 5, Javier 4, Sumang 3, Erram 2, Cortez 0.

Rain or Shine (93) – Ahanmisi 25, Watson 17, Daquioag 15, Ponferada 9, Torres 8, Belga 7, Borboran 5, Nambatac 4, Norwood 3, Washington 0, Tiu 0, Casino 0, Onwubere 0.

QS: 27-30, 47-39, 73-64, 99-93.

Comments are closed.