BLAZERS AYAW PAAWAT

Standings W L
Benilde 7 1
LPU 6 2
JRU 5 2
San Beda 5 3
Letran 5 3
Perpetual 4 4
Arellano 4 4
SSC-R 2 5
Mapua 1 8
EAC 0 7

Mga laro bukas:
(Filoil EcoOil Centre)
12 noon – SSC-R vs JRU
3 p.m. – Arellano vs LPU

NAGNINGNING si Migs Oczon sa payoff period upang sandigan ang College of Saint Benilde sa 78-69 panalo kontra San Beda upang patatagin ang kapit sa liderato sa NCAA men’s basketball tournament kahapon sa Filoil EcoOil Centre.

Nakabitin ang laro, sumandal ang Blazers kay Oczon, na isinalpak ang dalawang key triples upang bigyan ang Blazers ng 74-66 kalamangan, may 51.9 segundo ang nalalabi.

Umangat ang Benilde, na huling nakapasok sa Final Four noong 2002, sa league’s best record 7-1.

Tumapos si Oczon na may 19 points, kabilang ang limang three-pointers, habang nag-ambag si Will Gozum ng 16 points, 10 rebounds at 2 assists para sa Blazers.

Nauna rito, bumalik ang Lyceum of the Philippines University sa win column via 82-79 overtime decision kontra San Sebastian.

Nagsalansan si Mac Guadaña ng 14 points, 3 rebounds, 2 assists at 2 steals habang umiskor din si JM Bravo ng 14 points na sinamahan ng 6 boards para sa Pirates, na umakyat sa 6-2 sa ikalawang puwesto.

Nalasap ng San Beda ang ikatlong kabiguan sa walong laro upang makatabla ang defending champion Letran sa ika-4 na puwesto.

Nahila ng Benilde ang kanilang winning run sa apat na laro.

Ito rin ang unang panalo ng Blazers kontra Red Lions magmula noong July 28, 2014, isang 83-76 first round conquest, na tumapos sa kanilang 12-game losing skid.

“I thank the Lord, man. He made this possible for us and Miggy Oczon also, that was a great explosion,” wika ni coach Benilde Charles Tiu.

“It was a hard-fought game. So much respect to coach Yuri (Escueta) and San Beda, probably the best college program in the NCAA in the last two decades. We haven’t beaten them under our tenure, even with coach TY (Tang). So we are grateful to get this win.”

Bagama’t mas marami ang Red Lions fans, nagawang maitakas ng Blazers ang pambihirang panalo laban sa pinakamatagumpay na koponan sa liga.

“It was fun to play in front of a great crowd all the time,” ani Tiu.

Sa pagkatalo ay nabalewala ang career-high 28-point outing ni James Kwekuteye para sa San Beda.

Iskor:
Unang laro:
LPU (82) — Guadaña 14, Bravo 14, Barba 11, Umali 9, Peñafiel 9, Navarro 8, Valdez 7, Montaño 5, Cunanan 3, Larupay 2, Aviles 0, Villegas 0.
SSC-R (79) — Escobido 12, Desoyo 12, Calahat 9, Felebrico 9, Villapando 7, Altamirano 7, Cosari 7, Sumoda 5, Una 3, Yambing 3, Concha 3, Shanoda 2, Are 0.
QS: 27-29, 48-46, 61-64, 73-73, 82-79

Ikalawang laro:
Benilde (78) — Oczon 19, Gozum 16, Corteza 11, Nayve 10, Carlos 5, Cullar 4, Sangco 4, Lepalam 4, Pasturan 3, Marcos 2, Flores 0, Cajucom 0.
San Beda (69) — Kwekuteye 28, Cometa 10, Bahio 9, Ynot 8, Sanchez 5, Alfaro 3, Andrada 2, Cortez 2, Payosing 2, Jopia 0, Visser 0, Cuntapay 0.
QS: 17-14, 37-31, 51-49, 78-69.