BLAZERS LUMAPIT SA SEMIS BONUS

Mga laro ngayon:
(Filoil EcoOil Centre)
12 noon – Mapua vs Letran
3 p.m. – JRU vs San Beda

NALUSUTAN ng College of Saint Benilde ang late fightback ng Lyceum of the Philippines University upang maitakas ang 100-88 panalo at palakasin ang kanilang tsansa na makopo ang twice-to-beat bonus sa Final Four ng NCAA men’s basketball tournament kahapon sa Filoil EcoOil Centre.

Isang lay-up ni Renzo Navarro ang nagbigay sa Pirates ng kanilang huling kalamangan, 38-36, may 3:19 ang nalalabi sa second period nang bumanat ang Blazers ng 13-2 run upang iposte ang 49-40 halftime lead.

Lumayo ang Benilde sa 79-58 sa pagtatapos ng third quarter nang humirit ang LPU sa huling pagkakataon, kung saan tinapyas nito ang deficit sa 88-95 sa putback ni Enoch Valdez papasok sa final minute.

Kasunod nito ay sinayang ng Pirates ang maraming pagkakataon na makadikit kung saan nagtala si Migs Oczon ng 3-of-4 mula sa foul line at umiskor si Mark Sangco ng lay-up na nagselyo sa panalo ng Blazers.

Naiposte ng Benilde ang ika-12 panalo sa 16 games upang makasalo ang defending champion Letran sa liderato.

“Talagang gusto naming manalo kasi gusto naming maging No. 2 kasi advantage na mag-Finals na mas madali,” wika ni Will Gozum, isa sa season MVP contenders na may 18 points, 11 rebounds at 4 assists upang pangunahan ang Blazers. “Magta-trabaho pa kami ng dalawang games pa.”

Samantala, tinapos ng LPU ang kanilang elimination round campaign na may 12-6 kartada. Nakasalalay ang twice-to-beat bid ng Pirates sa resulta ng mga laro ng Knights, Blazers at Red Lions sa huling apat na playdates.

Tumapos si Oczon na may 18 points, 4 boards at 3 assists habang nag-ambag si Miguel Corteza ng 13 points para sa Benilde.

Nanguna si Valdez para sa LPU na may 18 points, 5 rebounds at 2 steals habang nagdagdag si Shawn Umali ng 17 points, 5 blocks at 4 boards

Sa unang laro ay pinataob ng San Sebastian ang University of Perpetual Help System Dalta, 78-74, upang makatabla ang Arellano University sa fifth place na may 7-9 kartada.

Iskor:
Unang laro:
SSC-R (78) — Altamirano 17, Escobido 15, Calahat 8, Desoyo 7, Villapando 6, Una 6, Aguilar 6, Cosari 5, Are 4, Paglinawan 2, Suico 2, Sumoda 0, Concha 0.
Perpetual (74) — Egan 15, Ferreras 12, Razon 9, Abis 8, Orgo 8, Nunez 7, Movida 6, Roque 3, Barcuma 2, Martel 2, Nitura 2, Flores 0, Pagaran 0, Boral 0, Cuevas 0.
QS: 19-18, 46-35, 57-58, 78-74

Ikalawang laro:
Benilde (100) — Oczon 18, Gozum 18, Corteza 13, Cullar 11, Lepalam 10, Nayve 8, Marcos 7, Sangco 7, Carlos 5, Davis 2, Flores 1, Pasturan 0, Cajucom 0, Sumabat 0, Dimayuga 0.
LPU (88) — Valdez 18, Umali 17, Bravo 15, Guadaña 10, Montaño 9, Cunanan 8, Navarro 5, Barba 5, Culanay 3, Larupay 0, Peñafiel 0, Vinoya 0.
QS: 28-21, 49-40, 79-58, 100-88.