BLAZERS NILAMBAT NG NETS

nets vs blazers

UMISKOR si James Harden ng 25 points at napantayan ang kanyang career high na 17 assists upang pangunahan ang Brooklyn Nets sa 116-112 panalo laban sa  host Portland Trail Blazers noong Martes ng gabi.

Tumipa si Jeff Green ng 20 points at nagdagdag si Joe Harris ng 17 para sa  Nets na nagwagi sa ika-16 pagkakataon sa nakalipas na 18 games. Nagposte si Nicolas Claxton ng 16 points at 9 rebounds at nag-ambag si fellow reserve Timothe Luwawu-Cabarrot ng 11 points habang namayani ang Brooklyn sa opener ng three-game road trip.

Naglaro ang Nets na wala si  Kyrie Irving, na hindi sumama sa trip dahil sa family matter. Nanatiling naka-sideline si Kevin Durant dahil sa hamstring injury.

Nakalikom si Damian Lillard ng 22 points at 9  assists at nagdagdag si Enes Kanter ng 19 points, 19 rebounds at 6 assists para sa Portland. Nalasap ng Trail Blazers ang ikalawang sunod na pagkabigo kasunod ang stretch kung saan nanalo sila ng pito sa siyam.

Nagdagdag sina CJ McCollum ng 16 points, Carmelo Anthony ng 15, Robert Covington ng 13 points at 9 rebounds, Derrick Jones Jr. ng 13 points at  Gary Trent Jr. ng 11 para sa Portland.

76ERS 108,

WARRIORS 98

Naiposte ni Tobias Harris ang lima sa kanyang game-high 25 points sa 9-0 flurry sa huling bahagi ng laro na nagbigay-daan para basagin ng bisitang Philadelphia 76ers ang pagtatabla at kumarera sa  108-98 panalo kontra Golden State Warriors.

Nagdagdag si Ben Simmons ng 22 points na may kasamang 8 rebounds at kumamada si Tony Bradley, naging starter kapalit ni Joel Embiid, ng 18-point, 11-rebound double-double para sa 76ers, na nagwagi sa ika-9 na pagkakataon sa kanilang huling 10 laro.

Nagbuhos si Kelly Oubre Jr. ng team-high 24 points na may 10 rebounds at nagdagdag si Jordan Poole ng 19 points kapalit ni injured Ste-phen Curry para sa Warriors, na nalasap ang ikalawang sunod na pagkabigo.

SUNS 110,

HEAT

Tumabo si Devin Booker ng 23 points sa 10-of-19 shooting upang pagbidahan ang bisitang Phoenix Suns sa 110-100 panalo laban sa Miami Heat.

Nakamit ng Suns, na kinuha ang kalamangan, may  5:43 ang nalalabi sa first quarter bilang bahagi ng maagang 10-0 run at hindi na naghabol pa, ang ikatlong sunod na panalo.

Pinangunahan ni Kendrick Nunn ang Miami sa pagkamada ng 17 sa kanyang 25 points sa second half at bumuslo ng 10 of 19 — kabilang ang 5-for-9 from 3-point range — para sa laro. Subalit nahirapan ang Heat na mapanatili ang consistency sa opensa at nalasap ang ika-4 na sunod na pagkabigo.

Sa iba pang laro, pinulbos ng host New Orleans Pelicans ang LeBron James-less Los Angeles Lakers, 128-111, at tinambakan ng New York Knicks ang Was­hington Wizards, 131-113.

4 thoughts on “BLAZERS NILAMBAT NG NETS”

  1. 193253 486838Hello there, just became alert to your blog via Google, and located that its genuinely informative. Im going to watch out for brussels. I will appreciate if you continue this in future. Several folks will probably be benefited from your writing. Cheers! 598462

  2. 448412 315834In the event you are interested in picture a alter in distinct llife, starting up typically the Los angeles Surgical procedures fat reduction method is a large movement so that you can accomplishing which generally concept. lose belly fat 292859

Comments are closed.