NAIPASOK ni Carmelo Anthony ang isang tiebreaking shot, may 4.1 segundo ang nalalabi, at humabol ang bumibisitang Portland Trail Blazers upang matakasan ang Toronto Raptors, 101-99, noong Martes ng gabi.
Tumipa si Damian Lillard, naitabla ang laro para sa Portland sa isang 3-pointer, may 38.5 segundo ang nalalabi, ng 20 points — 18 sa second half — at 9 assists. Tumapos si Anthony na may game-high 28 points.
Makaraang hindi makaiskor ang Raptors, nakuha ng Trail Blazers ang possession, may 13.6 segundo sa orasan, at isinaayos ang tira ni Anthony mula sa top of the key. Gumawa si Kyle Lowry, sumablay sa final shot ng laro, ng 24 points at 10 assists para sa Toronto.
Naglaro ang Raptors na wala si Fred VanVleet (hamstring), na sinamahan sina Pascal Siakam (groin), Marc Gasol (hamstring) at Norman Powell (shoulder)sa sidelines.
LAKERS 117, KNICKS 87
Nagbuhos si LeBron James ng 31 points nang durugin ng host Los Angeles ang New York.
Umiskor si rookie guard RJ Barrett ng 19 points upang pangunahan ang Knicks, na naglaro na wala si leading scorer Marcus Morris Sr. na may sore neck.
PISTONS 115, CAVALIERS 113
Sinelyuhan ni Derrick Rose ang 24-point performance sa pagsalpak ng go-ahead shot, may 26 segundo ang nalalabi, nang pataubin ng Detroit ang host Cleveland pa-ra sa ikatlong panalo pa lamang sa 12 games.
Nagsalansan si Detroit’s Andre Drummond ng 23 points at 20 rebounds, kabilang ang 11 at 10, ayon sa pagkakasunod, sa first quarter. Gumawa si Tony Snell ng apat na 3-pointers upang tampukan ang kanyang 18-point performance para sa Pistons.
Nakakolekta si Kevin Love ng Clevelad ng 30 points at 9 rebounds, habang nag-ambag sina Collin Sexton ng 20 points, at Cedi Osman ng 17 points.
THUNDER 111, NETS 103 (OT)
Umiskor si Chris Paul ng 28 points at naipasok ang dalawang clutch shots sa overtime nang gapiin ng Oklahoma City ang host Brooklyn sa ikalawang gabi ng back-to-back para sa dalawang koponan.
Nagdagdag si Shai Gilgeous-Alexander ng 22 points at naipasok ang apat na free throws sa final minute upang selyuhan ang panalo ng Oklahoma City at ipalasap sa Brooklyn ang ika-7 sunod na pagkatalo nito.
Nagposte si Taurean Prince ng 21 points para pangunahan ang Nets.
GRIZZLIES 119,
TIMBERWOLVES 112
Tumabo si Dillon Brooks ng 28 points upang tulungan ang host Memphis na walisin ang three-game season series laban sa Minnesota.
Nagdagdag si Ja Morant ng 25 points at 7 assists at napantayan ng Grizzlies ang season best sa kanilang ikatlong sunod na panalo. Tumipa si Jaren Jackson Jr. ng 21 points, 7 rebounds at 3 blocked shots, at nagposte si Jae Crowder ng 14 points, 8 rebounds at napantayan ang kanyang career high na 5 steals para sa Memphis.
Umiskor si rookie Jarrett Culver ng season-high 24 points at nagdagdag si Jeff Teague ng 18 mula sa bench para sa Minnesota. Nakalikom si Robert Covington ng 17 points, nakakolekta si Andrew Wiggins ng 15, at nagdagdag sina Gorgui Dieng ng 11 at reserve Naz Reid ng 10 para sa Timberwolves.
Sa iba pang laro, pinalubog ng Sacramento Kings ang Phoenix Suns, 114- 103.
Comments are closed.