MAGIGING panauhin ang Philippine Blu Girls team na sasabak sa Softball World Cup sa weekly Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ngayong Martes.
Pangungunahan ni Amateur Association of the Philippines (Asaphil) secretary general Cheska Altamonte ang team members na bibisita sa 11 a.m. session sa conference hall ng Rizal Memorial Sports Complex.
Ang World Cup sa Italy ay gaganapin sa July 22-27, kung saan mapapalaban ang Blu Girls kontra world no. 1 team Japan, Canada, New Zealand, Venezuela, at host country.
Ang Forum ay itinataguyod ng San Miguel Corporation, Philippine Sports Commission, MILO, Philippine Olympic Committee, at ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).
Ang Forum ay naka-livestream via PSA Facebook page fb.com/PhilippineSportswritersAssociation at mapakikinggan sa delayed basis sa Radyo Pilipinas 2, na isini-share din ito sa kanilang official Facebook page.