TUMAAS ang koleksiyon ng Bureau of Customs (BOC) ng 6.3% noong 2019, subalit hindi ito sapat para makamit ng ahensiya ang full-year target nito na P661.04 billion.
Sa isang statement, sinabi ng BOC na tumaas ang koleksiyon sa P630.47 billion noong nakaraang taon, katumbas sa 95.4% ng full-year target nito. Ang latest figure ay mas mataas sa P593 billion noong 2018.
Ang pinakamalaking revenues ay nakolekta sa Manila International Container Port (P164.404 billion), Port of Batangas (P152.222 billion), at Port of Manila (P74.812 billion), ngunit kapos pa rin sa kani-kanilang target.
Ang iba pang ports na nabigong matamo ang kanilang targets ay ang Port of NAIA (P43.238 billion), Port of Cebu (P31.274 billion), Port of Davao (P27.986 billion), Port of Clark (P1.940 billion), at Port of Surigao (P19.43 million).
Samantala, siyam sa 17 collection districts ang nakuha naman ang kanilang targets. Ang mga ito ay ang Port of Limay (P56.332 billion), Port of Cagayan de Oro (P34.540 billion), Port of Subic (P32.373 billion), Port of San Fernando (P4.237 billion) at Port of Iloilo (P3.406 billion).
“The Bureau’s effort to institute systems innovation, such as the Goods Declaration Verification System (GDVS) and the National Value Verification System (NVVS), also helped the agency sustain its collection in 2019,” ayon sa ahensiya.
Comments are closed.