DUDA ang mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa depensa ni Commissioner Isidro Lapeña kaugnay sa nakalusot na isang toneladang kontrabando na shabu na nagkakahalaga ng P6.8 bilyon.
Kamakailan lamang ay mariing itinanggi ni Lapeña na may shipment ng shabu na nakalusot sa pamamagitan ng paglagay nito sa mga magnetic lifter.
Ito ay sa kabila ng pagkumpirma ni PDEA director Aaron Aquino na may shabu nga ang nasabing lifters, base sa kanilang pagsusuri, at natanggap na intelligence report.
Bukod dito, mayroon ding mga kumakalat na kopya ng dokumento sa mismong BOC na nagpapakita ng pagpabor sa importer na sangkot sa partikular na shipment na ito.
Isa sa nasabing mga dokumento ay ang pagbigay ng temporary reactivation ng import permit ng importer na na-revoke na.
Patuloy ang pag-iimbestiga at pag-validate sa naturang mga dokumento.
Comments are closed.