KASALUKUYANG nagsasagawa ng masusing imbestigasyon at verification ang Bureau of Customs (BOC) sa accredited importers at brokers sa buong bansa upang masawata ang mga fly by night na importer at gumagamit ng walang juridical personality accreditation.
Agad na pinakilos ng BOC ang pinagsanib na mga tauhan ng Enforcement Security Service (ESS), Customs Intelligence Investigation Service (CIIS) at Account Management Office (AMO), para makagawa ng verification, investigation at inspection sa mga opisina ng registered brokers, importers, at mga bodega sa buong bansa.
Ayon sa impormasyon na nakalap ng pahayagang ito, ang layunin nito ay upang alisin sa listahan ng accredited importers at brokers ang mga gumagamit ng fly by night accreditation sa kanilang ilegal na gawain.
Ayon pa sa BOC, ang mapatutunayang sangkot sa mga fraudulent transaction ay mahaharap sa kasong kriminal.
Nakikipag-ugnayan na rin ang grupo sa mga local barangay units para sa pag-verify sa registered offices at warehouses ng mga importer maging ang mga opisina ng brokers.
Nasa 3,175 ang bilang ng mga accredited consignees at importers ng BOC, 1,829 dito ang sumailalim sa inspection, at 212 ang nadiskubre na misrepresented information.
Samantala, kinondena ng ilang BOC stakeholders ang naging hakbang ng ahensiya laban sa mga illegal accredited importer at brokers, sapagkat ito umano ay resulta ng sabwatan sa pagitan ng mga tiwaling kawani at importers na naging sanhi sa paglobo ng fraudulent transactions.
Dagdag pa ng stakeholders, isang tagaloob ang umano’y gumagamit ng pekeng accreditation na nagkakamal ng limpak-limpak na salapi. FROI MORALLOS
Comments are closed.