BOC NAKAALERTO VS SWINE FLU

BOC

NAKAALERTO ang mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa mga pantalan bilang paghahanda upang hindi makapasok ang mga imported na karne na kontaminado ng swine flu virus.

Mahigpit na  ipinag-utos  ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero  na bantayan ang mga border upang maprotektahan ang bansa at walang makapasok na karne galing sa mga bansang mayroon swine flu virus.

Pinamo-monitor din ang mga pumapasok na agricultural at iba pang food items at seguruhin na dumadaan sa tamang procedures ang mga ito.

Inalerto ang mga tauhan ng Quarantine Officers  ng  Bureau of Animal Industry (BAI), Bureau of Plant Industry (BPI), at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), na kailangang dumaan sa initial examination ng Department of Agriculture (DA), at BOC examiners ang mga produkto.

Matapos ang initial examination sa mga reefer container  ay pinatitiyak na may selyo ito ng BAI at dumaan sa 100% examination ng National Meat Inspection Service na accredited ng storage warehouse. FROI MORALLOS

Comments are closed.