DINAGAT ISLAND – ISANG bokal o board member ng Sangguniang Panlalawigan ang nasawi nang pagbabarili kahapon ng umaga.
Sakay ng motorsiklo, binabagtas ng biktimang si Wenefredo Olofernes, 52-anyos, ang Kilometer 2 sa Barangay Luna sa Surigao City nang biglang pagbabarilin ng riding-in-tandem bandang alas-9:18 ng umaga.
Pauwi na sana si Olofernes sa kaniyang bahay nang barilin ng mga hindi pa nakikilalang salarin.
Nagtamo ang biktima ng tama ng bala sa ulo.
Ayon sa ulat ng Caraga police, naisugod pa ang biktima sa Caraga Regional Hospital, ngunit idineklara ring dead-on-arrival.
Kinondena naman ni Dinagat Governor Arlene “Kaka” Bagao ang pagpaslang kay Olofernes. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM