(Bokya sa performance) 21 PULIS NA TAMAD SINIBAK

pulis

ISANG araw bago opisyal na magsimula ang May 2019 election period ay sinibak ng pamunuan ng PNP PRO 7 ang buong puwersa ng Daanbantayan Police Station sa Cebu kabilang na ang hepe nila dahil sa katamaran.

Ayon kay Chief Supt. Debold Sinas, director ng PRO-7, tinanggal sa puwesto ang 21 pulis ng Daanbantayan kabilang ang kanilang chief of police.

Sa ulat ginawa ang pagtanggal sa mga mi­yembro ng Daanbantayan Police dahil sa kanilang low performance particular sa anti illegal drug campaign.

Dahil umano sa loob ng isang taon, nasa 11 operasyon lamang  ang naisagawa ng naturang police station.

Bagaman hindi lang aniya ang Daanbanta­yan Police ang mayroong kaunting operasyon, inaasahan ng PRO-7 na mas marami pa ang nagawa ng ­estasyon.

Nasa 28 na pulis mula sa Regional Mobile Force Battalion ang pumalit sa mga tinanggal na pulis at itinalaga si Chief Insp. William  Jonoc bilang bagong hepe ng ­es­tasyon.

Isinailalim din sa drug test ang mga sinibak na pulis bago sila italaga sa ibang assignment. VERLIN RUIZ

Comments are closed.