HINDI pa tapos ang laban.
Iginupo ng Meralco ang Phoenix, 90-74, upang maipuwersa ang ‘rubber match’ sa quarterfinals ng PBA Governors’ Cup kagabi sa Araneta Coliseum.
Determinadong huwag matulad sa sister teams Talk ‘N Text at NLEX na sibak na sa torneo, na-outshoot ng Bolts ang Fuel Masters sa second half upang kunin ang krusyal na panalo.
Dikit ang laro sa first half na nagtapos sa 35-33 pabor sa Phoenix subalit biglang tumaas ang boltahe ng Bolts at kinoryente ang Fuel Masters sa second half.
Muling maghaharap ang dalawang koponan sa ‘do-or-die’ sa Biyernes at inaasahang hindi hahayaan ng Phoenix na masayang ang kanilang twice-to-beat bonus.
Lumamang ang Meralco, 66-51, may 1:35 ang nalalabi sa third period. Pinagpahinga ni coach Norman Black si Allen Durham para sa fourth period.
Sa kanyang pagbabalik ay pinangunahan ni Durham ang opensiba ng Meralco, katuwang sina Baser Amer, Chris Newsome, Mike Tolomia at Nino Canaleta at tuluyang pinayuko ang Phoenix.
“We couldn’t execute well our game plan in the first half. Only in the second half we were able to execute our strategy and compiled the needed points,“ sabi ni coach Norman Black.
Pinilit kunin ng Phoenix ang panalo upang umabante sa semis subalit hindi nito nakayanan ang nagbabagang opensiba ng Meralco.
Lamang ang Meralco, 85-72 at nakipagpalitan ng puntos sa Phoenix sa huling tatlong minuto.
“We failed to map out perfectly. We made so many lapses, missed terribly from the field and rainbow shots,” malungkot na pahayag ni Phoenix coach Louie Alas.
Dalawang tres lamang ang naipasok ng Phoenix sa 26 attempts at 26 sa 67 attempts sa two-point area.
Nagbuhos si Durham ng team-high 25 points, 10 sa third quarter, 16 rebounds at 4 assists, habang nag-ambag sina Chris New-some ng 16 points at Baser Amer ng 14.
CLYDE MARIANO
Iskor:
Meralco (90) – Durham 26, Newsome 16, Amer 14, Tolomia 9, Canaleta 9, Hugnatan 7, Salva 5, Dillinger 2, Faundo 2, Hodge 0, Ballesteros 0, Caram 0, Jamito 0.
Phoenix (74) – Phelps 27, Abueva 18, Perkins 9, Wright 8, Chua 6, Intal 4, Jazul 2, Revilla 0, Kramer 0, Wilson 0, Mendoza 0.
QS: 15-17, 33-35, 66-55, 90-74.
Comments are closed.