Mga laro ngayon:
(Ynares Center Antipolo)
5 p.m. – Rain or Shine vs Terrafirma
7:30 p.m. – Magnolia vs Ginebra
TIAONG, Quezon– Nagbuhos si Allein Maliksi ng 21 points at pinangunahan ang balanseng atake ng Meralco nang malusutan ng Bolts ang San Miguel Beermen, 92-89, sa PBA On Tour sa Tiaong Convention dito Sabado ng gabi.
Bumanat si Maliksi ng 7-of-16 mula sa field, kabilang ang limang three-point conversions mula sa bench, habang tatlong iba pang Bolts ang kumana ng doubledigit output at kumarera ang Bolts sa ikalawang sunod na panalo para umangat sa 3-1 sa pre-season series.
Nahulog ang Beer- men sa 2-3 habang sinamahan ni Terrence Romeo (may average na mahigit 20 points sa kanilang mga naunang laro) ang iba pang SMB stars sa sidelines.
May mas malalim na bench para sa larong ito, nadominahan ng Bolts ang Beermen sa boards, 56-48, gayundin sa bench points, 32-8.
Pinangunahan ni Maliksi ang Meralco bench, habang binubuo nina Raymond Almazan, Bong Quinto, Anjo Caram, Alvin Pasaol at Cliff Hodge ang lead group.
Umiskor si Quinto ng 19 points, nagtala si Almazan ng double-double numbers na may 14 points at 14 rebounds, habang nagambag si Caram ng 11 markers at 7 assists.
At nariyan din ang kanilang reserves na tumulong, kabilang si Jansen Rios na na- pigilan ang tira ni Al- lyn Bulanadi sa huling limang segundo upang mapangalagaan ang 92-89 kalamangan.
Nagtala sina Jericho Cruz (19 points), Bulanadi (18), Marvin Lee (18), Moala Tautuaa (12) at Rodney Brondial (15) ng double-digit outputs bilang starters, subalit nakakuha lamang ang SMB ng 8 markers mula sa iba pa sa koponan.
Kumana si Lee ng 5-of-8 mula sa arc sa isang surprise performance.
-CLYDE MARIANO