BOLTS KINORYENTE ANG HOTSHOTS SA OT

bolts vs hotshot

Mga laro ngayon:

AUF Gym

4 p.m. – NorthPort vs NLEX

6:45 p.m-  Phoenix vs Ginebra

KUMINANG si Chris Newsome sa krusyal na sandali upang tulungan ang Meralco Bolts na maitakas ang 109-104 overtime victory laban sa Magnolia Hotshots kagabi sa Angeles University Foundation Gym sa Angeles City, Pampanga.

Impresibo ang nilaro ng Bolts,  na nakakuha ng malaking numero kina youngsters Trevis Jackson at Aaron Black tungo sa kanilang ikalawang panalo sa 2020 PBA Philippine Cup.

Subalit si Newsome ang pinakanagningnjng sa lahat kung saan naitala niya ang walo sa kanyang team-high 23 points sa fourth period, kabilang ang dagger jumper, wala nang 10 segundo ang nalalabi, upang bigyan ang Bolts ng 107-103 lead.  Nadepensahan din niya si Paul Lee sa sumunod na possession, at nakuha ni Raymond Almazan ang bola.

Naipasok ni Almazan ang insurance charities, may 1.1 segundo ang nalalabi, at bumawi ang  Bolts sa pagkatalo sa Barangay Ginebra Gin Kings sa kanilang naunang laro upang umangat sa 2-2 kartada.

“We had a really good chance to win in regulation,” wika ni Meralco coach Norman Black. “But I told the players during the time in between the quarters that hey, we’re in overtime. We still have a chance to win the game, so let’s go out and win.”

“The guys played very, very well in the overtime period,” dagdag pa ni Black.

Tabla ang laro sa 94-94, may 13 segundo ang nalalabi makaraang maipasok ni Lee ang dalawang  free throws, at nasayang ni Newsome ang pagkakataon na manalo sa regulation nang walang mangyari sa final possession ng Bolts.

Subalit bumawi si Newsome sa extra session, kung saan agad siyang umatake sa hoop para sa layup na nagbigay sa Bolts ng kalamangan. Si Newsome din ang nagbigay sa Meralco ng bentahe na hindi na nila binitiwan nang maisalpak niya ang isang three-pointer, may 2:11 sa orasan para sa  102-100 kalamangan.

Nanguna si Lee na nagpasabog ng 32 points para sa Hotshots, na nahulog sa 1-3 marka. CLYDE MARIANO

Iskor:

Meralco (109) – Newsome 23, Black 16, Hodge 12, Hugnatan 11, Jackson 10, Quinto 8, Almazan 8, Maliksi 8, Jamito 8, Pinto 4, Amer 1, Faundo 0, Jose 0, Salva 0, Caram 0.

Magnolia (104) – Lee 32, Barroca 17, Jalalon 13, Banchero 13, Corpuz 12, Melton 6, Reavis 4, Pascual 4, Dionisio 3, Sangalang 0, Calisaan 0, Dela Rosa 0, Abundo 0, Saitanan 0.

QS: 19-25, 46-46, 67-73, 94-94, 109-104 (OT)

Comments are closed.