BOLTS NAG-INIT

MERALCO BOLTS-2

Mga laro ngayon:

(Ynares Center-Antipolo)

4:30 p.m. – NLEX vs Blackwater

7 p.m. – TNT vs San Miguel

SINAMANTALA ng Meralco ang pagkawala ni bagong import Richard Howell sa third quarter dahil sa foul trouble upang pataubin ang Phoenix, 101-95, sa pagpapatuloy ng PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Araneta Coliseum.

Na-outshoot ng Bolts ang  Fuel Masters sa third period kung saan umiskor sina import Gani Lawal, Jr. at Chris Newsome ng bihirang four-point play at kumamada sina Baser Amer, Nico Salva at John Pinto ng tig-iisang tres na nagdala sa Meralco sa panalo.

Umangat ang Bolts sa 3-2 kartada habang nahulog ang Fuel Masters sa 1-2.

Tinapalan ni Jeff Hodge ng Meralco ang tres ni Matthew Wright at ipinasa ang bola kay Chris Newsome kung saan na-foul siya ni Willie Wilson para sa dalawang free throws.

Sa kabila na ma­lamya ang laro ni Howell ay hindi makalayo ang Meralco at kinuha ng Bolts ang panalo sa huling 1:25 segundo sa pinagsanib na puwersa nina Lawal, Newsome at dating Talk ‘N Text Ranidel de Ocampo.

“Phoenix gave lots of trouble. It’s pretty good the boys refused to give up when down the stretch,” sabi ni coach Norman Black.

Pinagpahinga ni assistant coachTopex Robinson si Howell at ibinalik sa fourth quarter para tulu­ngan  ang kanyang mga kasamahan su­balit bigo ang bagong import na umiskor lamang ng dalawang puntos bago na-foul out sa huling 13 segundo. Tumapos si Howell, na pinalitan si Rob Dozier, na may 8 points.

Tumipa si Amer ng 20 points, 4 rebounds at 4 assists at muling itinanghal na  ‘Best Player of the Game’.

CLYDE MARIANO

Iskor:

Meralco (101) – Lawal 28, Amer 20, Newsome 18, Salva 15, Quinto 8, De Ocampo 6, Almazan 3, Pinto 3, Hodge 0, Jackson 0, Caram 0, Hugnatan 0.

Phoenix (95) – Wright 20, Perkins 16, Jazul 12, Marcelo 10, Howell 8, Mallari 7, Chua 6, Dennison 5, Intal 5, Kramer 4, Revilla 2, Wilson 0.

QS: 21-19, 46-47, 80-72, 101-95.

Comments are closed.