Mga laro sa Miyerkoles:
(Cuneta Astrodome)
4:30 p.m. – Alaska vs Columbian
7 p.m. – Rain or Shine vs NorthPort
PINUTOL ng Meralco ang six-game slump sa pamamagitan ng 108-105 pagsilat sa NLEX sa PBA Governors’ Cup kagabi sa Araneta Coliseum.
Binura ng Bolts ang 16 puntos na bentahe ng NLEX sa third quarter at sumandal sa game-clinching triple ni Amer Baser sa huling 27 segundo matapos tumawag ng timeout si coach Norman Black para maitakas ang ika-3 panalo sa siyam na asignatura.
Binasag ni Amer, tubong Davao, ang 105-105 pagtatabla sa pamamagitan ng tres matapos makagawa ng error ang Road Warriors.
Tinapik palabas ni Allen Durham ang desperate tres ni Jensen Rios at ibinigay sa Meralco ang come-from-behind victory.
Hindi makapaniwala si NLEX coach Yeng Guiao na makababalik pa ang Meralco at pinatunayan ng Bolts na may natitira pa sa kanilang boltahe at kinoryente ang Road Warriors sa fourth quarter.
Nagbuhos si Durham ng game-high 36 points, 18 rebounds at 7 assists upang tanghaling ‘best player of the game’. Si Durham ang nanguna sa rally na nagdala sa Bolts sa 99-103 sa huling dalawang minuto.
Nag-ambag si Amer ng 22 points at apat na rebounds. Ang kanyang tres ang nagdala sa panalo sa Meralco.
“They refused to go down and fought back in the end. I praised them for their efforts,” sabi ni Black.
Sa pagkatalo ay nadiskaril ang ambisyon ng NLEX na lumapit sa quarterfinals.
Kailangan namang maipanalo ng Meralco ang lahat ng natitirang laro para makapasok sa susunod na round. CLYDE MARIANO
Iskor:
Meralco (108) – Durham 36, Amer 22, Newsome 14, Hugnatan 12, Hodge 10, Caram 8, Lanete 2, Salva 2, Jamito 2, Faundo 0, Atkins 0, Tolomia 0.
NLEX (105) – Fuller 31, Fonacier 21, Quinahan 17, Ighalo 9, Galanza 6, Tallo 5, Marcelo 4, Taulava 3, Rios 3, Soyud 2, Baguio 2, Paniamogan 2, Tiongson 0, Monfort 0.
QS: 13-17, 36-39, 66-80, 108-105