Mga laro ngayon:
(Ynares Center-Antipolo)
4:30 p.m. – Blackwater vs TNT
6:45 p.m. – Alaska vs Magnolia
NAGBUHOS si Chris Newsome ng 28 points upang pangunahan ang Meralco sa 126-123 double overtime victory laban sa NorthPort sa PBA Philippine Cup kagabi sa Araneta Coliseum.
Nagtala rin si Newsome ng 12 rebounds, 7 assists, at 4 steals para sa all-around performance na nakatulong upang makakawala ang Bolts sa 3-game slump.
Umangat ang Meralco sa 3-5 kartada, habang nalasap ng Batang Pier ang ika-3 kabiguan sa anim na asignatura.
Naging bayani rin ng Bolts si Baser Amer na umiskor ng back-to-back tres.
“NorthPort pushed us to the wall. It’s good the boys refused to fold up in the end,” sabi ni coach Norman Black.
Napilitan ang Meralco at NorthPort na maglaro ng extra 10 minutes matapos na magtabla sa 106-106 sa regulation at sa 113-113 sa unang overtime.
Napakasaklap ng pagkatalo ng NorthPort na dinomina ang laro sa last quarter subalit hindi na-sustain ang laro at bumi-gay sa huli sa lungkot ni coach Pido Jarencio.
“We tried very hard to win but our efforts were not enough and the boys lost steam in double overtime,” malungkot na pahayag ni Jarencio.
Dinala ni Stanley Pringle ang NorthPort subalit minalas ang Filipino-American sa dalawang extra period. CLYDE MARIANO
Iskor:
Meralco (126) – Newsome 28, Amer 23, Hodge 23, Salva 16, De Ocampo 15, Jackson 11, Quinto 4, Hugnatan 4, Pinto 2, Caram 0, Faundo 0.
NorthPort (123) – Pringle 33, Anthony 31, Tautuaa 21, Grey 15, Bolick 5, Taha 4, Elorde 4, Guinto 4, Flores 2, Arana 2, Sollano 2, Gabayni 0, Lanete 0.
QS: 28-22, 49-46, 76-72, 106-106 (reg), 113-113 (1st OT) 126-123.
Comments are closed.