Mga laro ngayon:
(Araneta Coliseum)
4:30 p.m. – NLEX vs NorthPort
7 p.m. – TNT vs
Magnolia
UMABANTE ang Meralco Bolts sa semifinals ng PBA Governors’ Cup makaraang tibagin ang Alaska Aces, 94-84, kagabi sa Araneta Coliseum.
Ang Bolts ay armado ng twice-to-beat advantage sa quarterfinals makaraang magtapos sa ikalawang puwesto sa likod ng NLEX Road Warri-ors sa elimination round, subalit hindi na nila ito kinailangan.
Kinontrol ng Meralco ang laro kung saan lumamang ito ng 22 points, 49-27, at nilimita ang output ng Alaska tungo sa 41-33 halftime lead.
Na-outshoot ng Bolts ang Aces sa pinagsanib na puwersa nina Allen Durham, Allein Maliksi, Chris Newsome at Raymond Almazan.
Nagbuhos si Durham ng 28 points at 15 rebounds, habang gumawa si Maliksi ng 23 points, kasama ang apat na tres sa 7 of 11 field goal shooting, at muling itinangahal na ‘Best Player of the Game’.
“I have to step up and play with lot of confidence. Kailangan naming manalo at umabante sa semis,” sabi ni Maliksi.
Ang huling apat na puntos sa huling dalawang minuto ng laro ang nagdala sa Meralco sa semifinals bago ibinigay ni Durham ang final score sa dalawang charities sa foul ni Absi Galiguez.
Nag-relax ang Meralco matapos na lumamang ng 22 points sa second half kaya nakalapit ang Alaska sa 61-65 at 75-79 sa free throws ni Simon Enciso.
Nag-panic si coach Norman Black at pinaalalahan ang kanyang tropa na huwag magkumpiyansa.
“I reminded my players not to relax and deliver the needed points. They heeded my call and scored the needed points in the closing minutes,” sabi ni Black..
Makakasagupa ng Meralco sa best-of-5 semifinals ang magwawagi sa pagitan ng Talk ‘N Text at Magnolia.
CLYDE MARIANO
Iskor:
Meralco (94) – Durham 28, Maliksi 23, Newsome 17, Almazan 8, Amer 6, Faundo 4, Caram 4, Quinto 2, Hodge 2, Pinto 0.
Alaska (84) – Casio 20, Enciso 16, House 11, Manuel 9, Tratter 7, Herndon 5, Ayaay 5, Thoss 4, Ahanmisi 4, Racal 3, Galliguez 0, Brondial 0.
QS: 29-12, 49-34, 73-63, 94-84.
Comments are closed.