BOLTS TUMATAG SA NO. 3

Bolts

Laro ngayon:

(Hoops Dome)

5 p.m. – San Miguel vs Rain or Shine

PINALAKAS ng Me­ralco ang kanilang kampanya para sa twice-to-beat bonus sa quarterfinals sa pamamagitan ng 92-74 pagdurog sa Columbian sa PBA Governors’ Cup kagabi sa Araneta Coliseum.

Nanalasa sina twin towers Allen Durham at Raymond Almazan sa loob ng  paint at kumarera ang Bolts sa ika-4 na sunod na panalo para sa 7-2 record  at napatatag ang kanilang kapit sa No. 3 spot sa team standings.

Tumapos si Durham na may 34 points, 14 rebounds, at 5 assists, habang kumamada si Almazan ng 18 points, career-high 24 rebounds at 2 blocks.

Naging madali ang panalo ng Meralco at tila pinagpraktisan lamang ang Columbian bilang paghahanda sa susunod nilang laro kontra NorthPort sa Nob. 10 sa Ynares Center sa Antipolo bago sumalang sa huli nilang assignment laban sa sibak nang Rain or Shine sa Nob. 17 sa Big Dome.

Lumamang ang Meralco sa 34-19 sa kalagitnaan ng second period at sa 45-29 tungo sa panalo.

“We capitalized on defense and Durham stepped up and delivered the needed points. Almazan also scored and defended well at the shaded area,” sabi ni coach Norman Black.

Tinalo ng Meralco ang Columbian sa halos lahat na departments, kabilang ang rebounding, 66-48.

Tumapos si CJ Perez na may team-high 21 points para sa Car Ma­kers. CLYDE MARIANO

Iskor:

Meralco (92) – Durham 34, Almazan 18, Newsome 10, Quinto 7, Maliksi 7, Caram 4, Hugnatan 3, Salva 3, Hodge 2, Pinto 2, Jamito 2, Faundo 0, Jackson 0, Jose 0.

Columbian (74) – Perez 21, Alston 19, Tiongson 9, Khobuntin 7, Cahilig 5, McCarthy 4, Reyes 3, Flores 3, Calvo 2, Faundo 1, Camson 0, Corpuz 0.

QS: 25-11, 45-29, 67-58, 92-74.

Comments are closed.