BOMB JOKE, MAY KAPARUSAHAN NA PAGKAKULONG

NAGBABALA  ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) laban sa mga gumagawa ng bomb joke at bomb threats na huwag ipagwalang bahala dahil mayroon itong kaparusahan mula limang taon hanggang 12 taon na pagkakulong at multang P40,000.

Ito ay matapos ang nangyaring bomb joke ng isang pasahero ng Cebu Pacific kung saan sampung domestics flights ang na-delay sa Bicol International Aiirport (BIA) at libong pasahero ang naapektuhan.

Ayon kay Eric Apolonio, spokesperson ng CAAP, sa ilalim ng PD 1727 ang pagbibiro ng may pampasabog o tinatawag na bomb joke ay may kaparusahan.

Sa ilalim ng Anti-Terrorism Act of 2020 o RA 11479 o kilala sa tawag na bomb threat ay mayroong kaparusanhan na hindi bababa sa 12 taon pagkakulong .

Patuloy ang isinagawang imbestigasyon ng CAAP upang matukoy ang pasaherong nagbiro ng bomba habang papaalis ang Cebu Pacific flight sa Bicol International Airport kahapon ng umaga. FROILAN MORALLOS