MAGUINDANAO- DALAWANG sundalo at dalawang CAFGU ang malubhang nasugatan nang sumabog ang isang roadside bomb na itinanim ng mga hinihinalang terorista sa lalawigang ito.
Ayon kay Western Mindanao Command chief Lt. Gen Corleto Vinluan Jr., kasalukuyang nagsasagawa ng road and mine-clearing operations ang Joint Task Force Central sa Barangay Salman, Ampatuan, Maguindanao nang sumabulat ang isang anti-personnel mine.
Dahil dito, ani Vinluan, dalawang CAFGU at dalawang tauhan ng Philippine Army ang nasugatan.
“They were immediately evacuated by the responding team to Tamondong Hospital for medical treatment,” ayon kay Vinluan. VERLIN RUIZ
Comments are closed.