(Bombang natagpuan sa kubo kinalas) KALSADA SA MAGUINDANAO ISINARA, SINURI

DATU ODIN SINSUAT

ISANG improvised explosive device (IED) ang natagpuan sa isang kubo malapit sa kahabaan ng national highway sa Datu Odin Sinsuat noong Sabado kaya naman isinara ang nasabing kalsada.

Humingi ng paumanhin sa mahigit 100 motorista si Chief Supt. Graciano Mijares, Auto­nomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) sa pagsara ng nasabing highway dahil kinakailangan aniya upang ma-detonate ng bomb disposal experts ang EID at hindi na makaapekto sa mga tao roon.

Sinabi ni Mijares na ang bomba ay gawa sa 81-mm mortar explosive at nakapaloob sa jetmatic hand pump metal na natagpuan ng mga sibilyan sa Sitio Daiwan, Barangay Tanuel  dakong ala-6 ng gabi.

“The civilians immediately informed militiamen roving the area, who in turn, reported the matter to authorities,” ayon pa kay Mi-jares.

Muling binuksan ang nasabing kalsada alas-8:30 ng gabi.

Samantala, sinabi ni Mijares na ang bomba ay may signature style ng Islamic State-linked Bangsamoro Islamic Freedom Fight-ers na nag-o-operate sa lugar. EUNICE C.

Comments are closed.