BOMBERO KULONG SA DROGA, 2 TULAK KUMASA

BOMBERO

QUEZON – ARESTADO ang isang miyembro ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa drug buy bust operation ng Lucena PNP Intel/DEU na pinamumunuan ni Police Col.Reydante Ariza at PDEA sa isang hotel bahagi ng Brgy.Isabang, Lucena City.

Kinilala ni Ariza ang suspek na Alain Evangelista, 52-anyos, at residente ng Barangay 4.

Base sa ulat ng pulisya dakong alas-4:45 ng hapon ng magsagawa ng buy bust ang mga awtoridad sa KM 127 Hotel na nagresulta sa pagkaka-dakip sa bombero,at nakuha sa posesyon nito ang mga heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu at mark money na ginamit ng pulis.

Samantala, kasabay nito ang pagkakapatay sa dalawang tulak ng droga sa magkahiwalay na lugar sa siyudad ding ito matapos umanong manla-ban sa mga pulis sa isang drug by bust operation.

Nasawi si Leo Basa alyas “Tuga”, 33-anyos, matapos makipagbarilan sa pulis sa Purok Sta Theresa, Brgy. Dalahican at nakuha sa posesyon nito ang shabu at caliber 38 revolver, at sa bahagi naman ng Purok Rosal 2, Brgy. 10 napatay si Oscar Perlada alyas “Oca”, 41-anyos, at nakuha sa pag-iingat nito ang mga droga at sumpak na ginamit  sa pamamaril sa pulis. BONG RIVERA

Comments are closed.