SASAMAHAN ni newly-appointed sports commissioner Bong Coo si Samahang Weightlifting ng Pilipinas president Monico Puentevella sa two-part session ng online Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ngayong Martes, Huiyo 26.
Tatalakayin ni Coo, ang 74-year-old legendary bowler, ang kanyang mga plano sa 10 a.m. session kasunod ng kanyang appointment sa Philippine Sports Commission (PSC) noong nakaraang linggo.
Samantala, tatalakayin ni Puentevella ang nalalapit na mga kampanya ng Filipino weightlifters, gayundin ang pagsabak nila kamakailan sa Asian Youth and Junior Welterweight Championships sa Tashkent, Uzbekistan.
Ang public sports program ay itinataguyod ng San Miguel Corporation (SMC), MILO, PSC, Philippine Olympic Committee, Amelie Hotel Manila, Unilever, at ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).
Ang weekly Forum ay naka-livestream via PSA Facebook page fb.com/PhilippineSportswritersAssociation at mapakikinggan sa delayed basis sa Radyo Pilipinas 2, na isini-share din sa kanilang official Facebook page.