UMAPELA si Senador Christopher “Bong” Go sa local government units (LGUs) at mga awtoridad na incharge sa vaccine rollout na dalhin na ng direkta ang mga bakuna sa kanilang mga constituent na bahagi ng priority groups na babakunahan.
“Sa mga LGUs, paigtingin pa natin ang pagbabakuna. Dapat ‘di magtagal ang stocks sa inyo. Marami nang gustong magpabakuna pero naghihintay. Nagagalit na ang iba. Pabilisin natin ang sistema para pag-distribute ng bakuna, maiturok na agad sa dapat maturukan,” apela ni Go.
Binigyang-diin ni Go na mahalaga ang oras at lahat ng kinakailangang hakbang ay dapat na isagawa upang matiyak na ang lahat ng nasa A1 hanggang A3 categories ay kaagad na mababakunahan upang magtuloy-tuloy na ang pagbabakuna sa iba pang priority sectors, at makamit ang herd immunity sa mga komunidad.
Nanawaga din siya sa mga local leaders, sa pakikipag-ugnayan sa national government, na palakasin ang local vaccination rollout at vaccine education awareness campaigns upang higit pang mahikayat ang mga constituent na magpabakuna.
Hinimok naman niya ang mga senior citizen at iba pang priority groups na magpabakuna na sa lalong madaling panahon upang maproteksiyunan sila laban sa virus at mapabilis ang expansion ng national COVID-19 vaccination.
Bilang chairperson ng Senate Committee on Health, binigyang-diin ni Go na ang vaccination ng mga priority groups ay may layuning mabigyan sila ng proteksiyon laban sa virus at maiwasan ang hospitalisasyon, pagkakaroon ng malalang kaso ng sakit na maaaring mauwi sa kamatayan.
“Paano tayo uusad sa next priority groups kung maraming ‘di pa nababakunahan sa A1 to A3 groups. Naghihintayan tayo,” dagdag pa niya. “Kaya i-enganyo natin ‘yung mga dapat maturukan agad, lalo na ang mga matatanda at vulnerable sa sakit na ito. Para makapagsimula na tayo sa iba pang sektor na naghihintay ng panahon na puwede na sila.”
970467 320124I adore meeting utile information, this post has got me even much more information! . 817161