BONGBONG NAGLUNSAD NG RELIEF DRIVE PARA SA TAAL EVACUEES

NAGLUNSAD  ng relief campaign si da­ting senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. para sa  mga biktima ng pagsa­bog ng Bulkang Taal sa Batangas.

“Situations like these call for swift action. Ensuring that help reaches those who need it the most should be the top priority for any disaster response. Our experience with Yolanda in Leyte has taught us this fact,”  pahayag ni Marcos.

Sa ulat mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC),  umaabot sa 5,458 pamilya o 24,508 indibidwal ang naapektuhan sa  lalawigan ng Batangas at Cavite.

Habang isinusulat ang balitang ito ay  patuloy ang paglilikas sa mga residente at may 15,540 katao na ang  pansamantalang nanunuluyan sa 75 temporary shelters. Target ng NDRRMC na mailikas  ang may 300,000 katapos mula sa mga  nasabing lalawigan.

Agad namang sumagot ang mga kaibigan at supporters ni BBM  sa panawagan nito para sa donasyon.

“At the rate help is pouring in, we will have enough to conduct an initial relief run in the coming weeks if not days. I feel humbled and thankful with how people have responded thus far,” dagdag ni BBM.

“I and my family are praying that Taal Volcano settles down in the coming days so we will have a window to reach out to as many as possible,” ayon pa rito.

Kapalit ng cash, hi­nimok ni BBM ang mga donor  na magbigay ng mahahalagang gamit katulad ng N95 face mask, bottled water,  mga de lata, instant noodles,  gatas para sa mga sanggol, bigas, gamot at mga kumot.

Maaaring ipadala ang tulong sa:  Office of Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos sa Ground Floor, Sunset View Towers 2230 Roxas Boulevard, Pasay City Telephone: +63 (02) 8821-4591 Facsimile: (+63.2) 8821-4589.