BONIFACIO ANG TUNAY NA PANGULO

Ipinagdiriwang ang November 30 sa buong Pilipinas bilang Regular Holiday. Ito kasi ang birthday ni Andres Bonifacio, isang katangi-tanging bayani ng bansa.

Isinilang si Bonifacio noong 30 November 1863. Siya ang founder ng Katipunan, isang secret society na nagpasimuno sa Rebolusyunaryong Pilipinas noong 1896. Para sa ma­raming mananalaysay, dapat ay si Bonifacio ang ituring na unang pangulo ng bansa sa halip na si Aguinaldo. Marami ring nagsusulong na dapat ay siya ang pangunahing pambansang bayani at hindi si José Rizal. Nakakalungkot na hanggang sa kamatayan, kahit mahigit isandaang taon na ang nakararaan, may negatibismo pa ring nakakabit sa paghirang sa kanya. Pati nga ang mga labi niyang natagpuan sa Mt. Buntis ay kinu­kwestyon rin kung siya nga ba o hindi.

Pinaniniwalaang si Bonifacio nga ang dapat na kilalaning first president of the Philippines base sa kanyang posisyon bilang Supremo ng Katipunan revolutionary government mula 1896 hanggang 1897. Sa panahong iyon, ang Katipunan o Kataas-taasang Kagalang-galangang Katipunan (KKK) ay hindi lamang isang revolutionary organization kundi isa na ring revolutionary government.

Ngunit sa draft constitution na kinilala nating Malolos Constitution, niratipika ito at idineklara noong January 1899 na si Emilio Aguinaldo ang pangulo ng Unang Republika ng Pilipinas (First Philippine Republic), kaya si Aguinaldo ang kinikilala nating unang pangulo ng bansa.

Original na Tondo Boy, napakahalaga ng naging ambag ni Bonifacio sa kalayaan ng bansa. Noong 1892, itinatag niya ang KKK. Ito ang pinakaorganisadong grupong nanindigan sa pakikipaglaban sa mga Kastila sa kabila ng kawalan ng armas. Isa itong mapanganib na hakbang tungo sa kalayaan at pagsasarili ng Pilipinas.

Idineklara ni Bonifacio ang kasarilinlan ng Pilipinas noong 1896, isang araw bago binaril sa Luneta ang itinuturing niyang bayani at mentor na si José Rizal. Kaya sa kanyang kaarawan, da­kilain natin ang kanyang katapangan. Bonifacio, ang Tondo Boy na dapat ay siyang unang pangulo ng Pilipinas.

Nenet L. Villafania