SI BONNIE Tan na ang bagong head coach ng NorthPort Batang Pier sa PBA.
Papalitan ni Tan, ginabayan kamakailan ang Colegio de San Juan de Letran sa ikatlong sunod na NCAA men’s basketball men’s championship, si Pido Jarencio.
Si Jarencio, ang head coach ng NorthPort magmula noong 2013, ang magiging team manager ng Batang Pier.
Inaasahan namang papalitan ni Rensy Bajar si Tan sa Letran.
Sa ilalim ni Tan ay inaasahang magkakaroon ng mga pagbabago sa NorthPort sa nalalapit na PBA Governors’ Cup.
Ang Batang Pier ay hindi pa umaabot sa semis magmula noong 2019.