BOOK 2 NG AGIMAT NG AGILA, BIRTHDAY GIFT KAY BONG REVILLA

MOVIESTAR CHICKA

IBANG klase talagang mangako si Senator Bong Revilla. Hindi niya nakalimutan ang madalas ipangaral sa kanila ng kanyang ama, the late Senator Ramon Revilla Sr. kaya naman ang selebration last year, kung saan namigay siya ng tinawag niyang Kap’s Amazing Giveway, nagkaroon ito ng Part 2.

Naganap ito noong Sept.25, Saturday, Sept. 26, Linggo, na tumapat sa kanyang kaarawan. Yes, 55 years old na si Senator Bong.

Marami ang sumubaybay sa ‘Agimat ng Agila’, kaya naman nag-decide ang pamunuan ng GMA-7 na gawan ito ng book 2. Magandang birthday gift ng Kapuso Network kay Bong ang Book 2 ng Agimat ng Agila. Tiyak na lalong lalakas at susubaybayan ang book 2 lalo pa’t matunog ang balitang ang Miss Universe Philippines 2020 na si Rabiya Mateo na ang kanyang leading lady. Magandang balita ito para sa mga tagahanga ni Rabiya dahil tuloy na ang pagpasok niya sa showbiz at mapapanood na siya sa isang teleserye. Nakatakda nang pumirma ng kontrata ang ating beauty queen sa GMA 7.

Sisimulan na raw nila ang lock-in taping mid of October, dahil magri-recess na si Sen. Bong sa Senado. Siniguro ng butihing Senador na kasama pa rin si Sanya Lopez sa  book 2 ng Agimat ng Agila.

Ibig lang sabihin ay dalawa na ang leading lady ni Bong sa Book 2?

 

 

JENNYLYN MERCADO HIHINTAYIN NG GMA 7

IBA’T-IBANG bersyon ang naglabasan lalo’t wala pang final decision ang GMA-7 kung hindi muna itutuloy ang teleseryeng ginagawa ni Jennylyn Mercado ang Love. Die. Repeat na siya dapat unang project ni Xian Lim. Dinig namin, naka-18 days na sa lock-in taping si Jennylyn nang magkaroon siya ng medical emergency. Kaya naman laking panghihinayang ng ibang cast dahil balitang six (6) days na lang sana ay tapos na ang taping. Ang magandang balita, hindi totoong papalitan si Jennylyn sa serye, dahil nagdesisyon ang management ng GMA-7 na hintayin ang availability niya.

Marami ang humanga sa GMA sa pagiging considerate nila sa kalagayan ng kanilang mga talents. Dapat lang naman dahil hindi ginusto ni Jennylyn na malagay sa peligro ang first baby nila ni Dennis Trillo na nasa kanyang sinapupunan.

Let’s just wait and see kung ano ang magiging final decision sa naka-hold na project ni Jen. Pero duda namin, next year na itutuloy ang taping ng Love. Die. Repeat at bibigyan na lang muna siguro si Xian ng ibang project na iba ang leading lady.  Alanganin na this year dahil magpa-Pasko na.

***

WALANG naganap na bonggang debut birthday celebration ang PBB 8 finalist na si Ashley Del Mundo last Sept. 13. She wanted her debut special but unfortunately ay hindi nakauwi ang family niya na nasa Australia dahil sa pandemya. A lot of her friends greeted her, pero iba siyempre ang special greetings ng kanyang ka-loveteam na si Tan Roncal. He posted a picture of them on Instagram at exactly 12mn, with the caption…. “my lallainaaa I wish you the happiest 18th birthday. Remember,  I’m always here to support you. You can always cry on my shoulder.”

Ashley appreciates how love team partner Tan supports her latest digital series project na He’s Into Her. Puring-puri ni Tan ang acting ng kanyang ka-loveteam.

“Nakaka-proud siyang tingnan.”

Naiintindihan nina Tan at Ashley that working separately allows them also to grow and work with different people in the industry. Siyempre pa, kinilig to the max ang mga fans ng dalawa sa concern at sweetness nila sa isa’t isa. Sino naman ang ‘di kikiligin sa 100-Roses bouquet na personal na ibinigay ni Tan kay Ashley. Tan posted a photo of Ashley holding the bouquet on Twitter and it already has over 70k hearts and more than 8,800 retweets and requotes. Later that day, she went live on Kumu and expressed her gratitude to her fans who made her day special. Hindi na napigilan ni Ashley ang maiyak sa kaligayahan kung saan mabilis siyang kinomport ni Tan na always present basta para sa kanyang ka-loveteam.

Always thankful si Tan sa kanyang Pinoy Big Brother 8 family na malaki ang naitulong sa kanya para ma-develop ang kanyang self-confidence and has allowed him to get out of his shell. Hindi malayong isa sa mga araw na ito ay matupad ang pangarap ni Tan na makatrabaho ang mga idolo niyang sina Daniel Padilla at Enrique Gil, dahil tulad ng dalawang sikat na Kapamilya actors ay magaling at may lalim pagdating sa pag-arte itong si Tan Roncal na hindi rin naman nalalayo ang porma at itsura niya kina Daniel at Enrique. Wanna bet?

Inaabangan na ngayon pa lang ng Milkies ang paglabas ng ginawang music video nina Ashley at Tan na Can’t Get Out. It’s coming out very soon.

158 thoughts on “BOOK 2 NG AGIMAT NG AGILA, BIRTHDAY GIFT KAY BONG REVILLA”

  1. 473210 971423I adore this information presented and possesses given me some type of resolve forpersistance to succeed i really enjoy seeing, so sustain the exceptional work. 553947

  2. 548546 208544Im often to blogging and i in actual fact respect your content. The piece has truly peaks my interest. Im going to bookmark your content material and preserve checking for brand new data. 696887

  3. 297865 223265Black Ops Zombies […]some men and women nonetheless have not played this game. It is hard to imagine or believe, but yes, some individuals are missing out on all of the enjoyable.[…] 974033

Comments are closed.