ITINANGHAL na muli bilang isa sa world’s best islands ang sikat na isla ng Boracay.
Ayon sa Conde Nast Traveler, isa sa mga sikat at pinagkakatiwalaan sa lifestyle travel, kinilala ang Boracay bilang best island sa Asia at isa sa 30 na pinakamagandang isla sa buong mundo sa taong 2019.
Hinati sa anim na grupo ang pagkilala sa mga best islands sa mundo ngayong taon. Ang mga ito ay hinati sa Asia, Australia and South Pacific, Caribbean and Atlantic, Europe, North America at United States.
Mahigit 80 porsiyento na ang natatapos sa ginagawang rehabilitasyon ng pamahalaan sa Boracay.
Comments are closed.