SINIGURO ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar na matatapos ang rehabilitasyon ng Boracay bago magbukas sa darating na buwan ng Oktubre.
Sa kanyang pagbisita sa Boracay nitong nakaraang linggo nakita ni Villar na ongoing ang instalasyon ng mga tubo sa kahabaan ng Cagban papunta sa Elizaldy Compound hanggang Circumferencial Road.
Maging ang konstruksiyon sa Barangay Mano-Manoc papuntang Barangay Yapak ay minamadali ng kontratista.
Sinabi ng kalihim na nasa 60 porsiyento na ang accomplishment sa isinasagawang rehabilitasyon ng Boracay Circumferencial Road na sinasabing magiging daan ng mga turista patungong Puka Beach.
Patuloy din ang konstruksiyon ng 204 linear meter reinforced concrete pipe culvert (RCPC) para sa drainage facilities na magkakaroon ng limang catchment basin na mayroong 22 lineal meter cross drain, 130 meter cut-off wall.
Nagsasagawa rin ng clearing operations ang mga contractor sa mga illegal structures at construction sa may Bulabog beach, na siyang magiging alternate route habang inaayos ang main road.
Ang kalsada patungong Bulabog Resort ang maaaring gamitin na logistics corridor sa pagbibiyahe ng mga produktong papapasok at palabas ng Boracay. FROI M
Comments are closed.