BORACAY TATANGGAP NA NG TURISTA MULA SA GCQ AREAS SIMULA SA OKT. 1

BORACAY-13

PAPAYAGAN na ang mga turista mula sa mga lugar na nasa ilalim ng general com­ munity quarantine na maka­ pasok sa Boracay Island simula Oktubre 1.

Gayunman ay kailangan nilang sumunod sa health protocols na itinatakda ng pamahalaan.

Sa isang briefing, sinabi ni Tourism Undersecretary Benito Bengzon na ang mga bisita ay kailangang negatibo sa PCR, o polymerase chain reaction, test at may pre-arranged reservations bago ang kanilang pagbiyahe sa sikat na tourist destination.

“‘Pag nasa isla na sila, kailangan silang sumunod doon sa health and safety guidelines na na-develop ng Department of Tourism,” pagbibigay-diin ni Bengzon.

Sa parehong briefing, sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año na handang-handa na ang Boracay na tumanggap ng mas maraming turista, at binigyang-diin na may ipinatutupad itong safety protocols.

Sa kasalukuyan, tanging ang mga turista mula sa Western Visayas, na kinabibilangan ng mga lalawigan ng Aklan, Antique, Capiz, Guimaras, Iloilo, at Negros Occidental, ang maaaring bumisita sa tourist attraction.

Comments are closed.