BOSSING BABAWI SA PBA REINFORCED CONFERENCE

UMAASA ang Blackwater na malaking papel ang gagampanan ni  Baser Amer para makabawi ang franchise sa PBA Reinforced Conference.

Sinabi ni coach Ariel Vanguardia na nag-usap na sila ng 29-anyos na guard, na, aniya, ay dapat na aktibong makibahagi para mabura ng Bossing ang stigma ng losing campaign sa nakalipas na Philippine Cup.

Ayon kay Vanguardia, tila nahihirapan si Amer na mag-adjust makaraang i-trade sa Blackwater mula Meralco.

Nagpapasalamat naman ang Blackwater mentor sa pagiging tapat sa kanya ni Amer sa exit interview sa dating San Beda stalwart.

“Sabi niya hindi madali ‘yung naging transition niya from Meralco to Blackwater,” sabi ni Vanguardia nang maging panauhin sa Power & Play program ni dating  PBA Commissioner Noli Eala.

‘Yung sistema niya na nakasanayan niya na parating nasa kanya ‘yung bola, ‘yung siya ang magtitimon. So ‘yung mga ganung aspect.”

Nakita ito sa unang season ni Amer sa Bossing kung saan hindi siya naramdaman sa katatapos na Philippine Cup sa Bacolor, Pampanga, kung saan nagtapos ang koponan na walang panalo sa 11 games at 19 overall — isang bagong PBA record — mula pa sa Clark bubble noong 2020.

Lumiban din siya sa huling dalawang laro ng Blackwater dahil sa groin injury.

Ang hindi magandang ipinakita ni Amer ay taliwas sa kanyang five-year stay sa Meralco kung saan may average siya na 10.4 points, 3.1 rebounds, at 2.9 assists sa 196 games.

Subalit matapos na mapag-usapan ang problema, kumpiyansa si Vanguardia na makababalik si Amer sa kanya188

ng dating porma para sa season-ending meet, kung saan makakakuha ng suporta ang Bossing kina new acquisitions Javee Casio, Barkley Ebonia, at Rashawn McCarthy.

“At least nalaman ko na kung saan siya komportable, and how he can fit in with our system,” dagdag ng Blackwater mentor.CLYDE MARIANO