KASALUKUYANG nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga tauhan ng Bureau of Customs at Department of Agriculture sa pinagmulan ng limang container na naglalaman ng smuggled frozen meat or karneng botcha sa isinagawang pagsalakay sa Caloocan City.
Sa ulat na ibinahagi ng Aduana kahapon isang hinihinalang temporary storage ang sinalakay ng BOC at DA sa Tuna St. sakop ng C03 sa Caloocan at dito nadiskubre ang hinihinalang mishandled or expired na meat products.
Nasa limang container umano ng mishandled o expire na mga karne ang nadiskubre sa naganap na raid.
Subalit, isang container pa lamang ng expired na mga karne ang nabubuksan ng mga awtoridad.
Target ng mga imbestigador na matukoy kung ito ay smuggled na frozen products gayundin ang may ari ng nasabing lugar. VERLIN RUIZ