BOTO PARA SA MURANG KURYENTE-PARTYLIST

MKP

NANAWAGAN ang Murang Kuryente Partylist (MKP) sa milyon-mil-yong botante na dadagsa bukas, Mayo 13 sa lahat ng voting precincts – na kilatisin ang bawat kandidato at tiyaking may malasakit ang mga ito sa kalbaryong pinapasan ng mamamayan dahil sa mataas na singil sa kuryente.

“Bukas na po ang botohan. Sana ay ang isipin natin kung paano makaaapekto ‘di lamang sa buhay natin, kundi sa buhay ng bawat Filipino sa buong bansa ang ating mga boto,” pahayag ni Gerry Arances, tagapagsalita at isa sa nominees ng MKP.

Sa daan-daang party­list groups na tumatakbo ngayong 2019 elections, tanging ang MKP ang nag-iisang partylist group na nag-susulong para sa kapakanan ng  electric consumers at itinutulak ang makatarungan, malinis at murang kuryente sa buong bansa.

Hinikayat din ng grupo ang bawat mamamayan na maging mapagmasid, vigilante at makibahagi sa makasaysayang halalan sa Lunes upang matiyak na mali­nis, patas at makabuluhan ang magiging resulta ng halalan.

“We’re happy to note that it looks like (the government) was able to prepare properly for the upcoming elections. Subalit kailangan pa rin nating manatiling mapagmasid laban sa mga oportunistang nais tayong nakawan ng ating mga boto,” giit ni Aranc-es.

Nagpatawag ng press conference ang Department of Energy (DOE) noong Biyernes kung saan inianunsiyo ang kahandaan ng kagawaran at tiniyak na sapat at sistematiko ang suplay ng kuryente sa araw ng halalan.

Sa kabila nito, na­ngangamba ang MKP dahil katuwang ng DOE sa kanilang programa at paghahanda ang  mga dambuhalang energy providers.

“It has been shown that they (Philreca) are running an illegal campaign paid for by entities that are barred from participating fi-nancially in any electoral activity,” ani Arances.

Tinututulan ng MKP ang petisyon ng Philreca sa Energy Regulatory Commission (ERC) na payagan ang kanilang  mga kooper-atiba  na ipapasan sa mga consumer ang kanilang real property taxes (RPT) o buwis.

“Huwag nating haya-an na maupo ang mga taong ‘di mapagkakatiwalaan sa pamahalaan.  Bukas sa mismong botohan, gamitin natin ang kapangyarihan ng ating mga boto para ipakita sa mga korporasyon na ito na ang mura at mapagkakatiwalaang kuryente lamang ang dapat nating pag-usapan,” giit ng grupo.

Comments are closed.