BIGO ang House Committee on Constitutional Amendments na pagbotohan ang panukala para amyendahan ang 1987 Constitution.
Paliwanag ni Cagayan De Oro Rep. Rufus Rodriguez, marami kasi sa mga miyembro ng komite at ex-officio members ang nais na himayin at talakayin pa ang Charter change dahil sa bagong proposal na mula sa Inter-Agency Task Force on Federalism (IATF) dahilan kaya malabo pa itong mapagbotohan ngayon.
Bukod dito, nasa pahina 4 pa lamang sila sa mahigit na 20 pahina ng proposal mula sa gobyerno.
Giit ni Rodriguez, hindi nila ito puwedeng madaliin dahil baka matulad noong Disyembre na inaprubahan nila ang Cha-cha pero inulan ng batikos dahil ginawa ang approval sa isang executive session.
Hindi rin matiyak ni Rodriguez kung kailan maaaprubahan ang Cha-cha dahil depende ito sa itatagal ng pagtalakay ng mga miyembro ng komite.
Sa ngayon ay natalakay na ng mga miyembro ng komite ang territory, anti-turncoatism, anti-dynasty, terms of office, regional election ng mga senador, at ang Mandanas ruling o dagdag na share ng LGUs. CONDE BATAC
Comments are closed.