TIWALA ang IT and Business Process Association of the Philippines (IBPAP) sa mabilis na paglago ng business process outsourcing (BPO) companies sa bansa.
Ayon kay IBPAP Chairman Benedict Hernandez, lumabas sa kanilang isinagawang 2021 Industry Growth survey na mas lalago pa ang BPO companies ngayong taon.
Ani Hernandez, kapuri-puri ang katatagan ng IT-BPO industry, gayundin ang gobyerno sa pagpayag nitong magpatuloy sa operasyon ang BPO companies sa buong bansa sa gitna ng pandemya.
Ang BPO industry ay isa sa mga industriyang nanatiling matatag sa kabila ng paghagupit ng COVID-19 pandemic simula noong nakaraang taon. DWIZ 882