HUMINGI ng pasensya si Brenda Mage kay Alexa Ilacad ngunit handa bang magpatawad si Alexa?
Bukod sa paghingi ng sorry sa inasal sa loob ng bahay ni Kuya, inamin din niya ang kanyang pagkakamali.
Naging kontrobersiyal si Brenda dahil sa pagsasalita niya laban sa kapwa housemates, gaya ni Alexa Ilacad kapag hindi sila kaharap. Nang ma-evict si Alexa, nalaman niya ang mga sinabi ni Brenda laban sa kanya, pero kahit nasaktan daw siya ay magiging professional siya kapag nakaharap niya ito.
Inamin ni Brenda na naging “Marites” (tsismosa) siya sa PBB house, partikular kay Alexa. Wala raw siyang problema kay Alexa, pero dahil kay Eian ay nagkaisyu. Naging malapit na kaibigan ni Brenda si Eian sa loob ng PBB house, at naging isyu sa kanya ang pagiging malapit nito kay Alexa.
Sa panig naman ni Alexa, wala na sa kanya ang nangyari kaya tapos na ang isyu. – KNMartin