BRGY. CHAIR SA MANILA ITINUMBA SA LAGUNA

LAGUNA – HINDI na umabot pa nang buhay sa pagamutan ang tumatayo umanong Acting Bgy. Chairman ng Bgy. 123 Tondo, Manila matapos pagbabarilin ng riding in tandem criminals sa Bgy. San Francisco, lungsod ng San Pablo, Huwebes ng gabi

Sa inisyal na ulat ng pulisya, nakilala ang biktimang si Ricardo Caravana, alias Jun Moriones, kilala umanong Jueteng Lord, may asawa, pansamantalang naninirahan sa nasabing lugar.

Samantala, sugatang isinugod sa pagamutan ang driver bodyguard nitong si Rommel Viterbo Eseo, matapos magtamo ng tama ng bala sa kanyang kamay at braso kung saan nasa mabuti ng kalalagayan.

Sa imbestigasyon, dakong alas- 8 ng gabi nang maganap ang nasabing insidente habang papalabas ng Auravel Hotel ang biktima matapos magpamasahe nang biglang sumulpot ang mga suspek lulan sa isang XRM na motorsiklo bago pinagbabaril si Caravana at Viterbo.

Sinasabing isa sa umano’y malapit na kaibigan ng biktima na isang pulis ang nagawa pa umanong makipagpalitan ng putok sa mga suspek bago tumakas.

Kaugnay nito, patuloy na kinikilala ng pulisya ang tumakas na mga suspek kung saan inaalam pa rin ng mga ito kung tinangay sa kanilang pagtakas ang halaga umanong P10 milyong piso na pag-aari ng biktima. DICK GARAY

One thought on “BRGY. CHAIR SA MANILA ITINUMBA SA LAGUNA”

Comments are closed.