BRGY CHAIRMAN, ASAWA PATAY SA PAMAMARIL

TARLAC- MAGKATABING naka subsob sa gilid ng kalsada ang isang Barangay Chairwoman at asawa nito makaraang barili ng riding in tandem sa Brgy, San Juan sa boundary ng Ramos at Gerona sa lalawigang ito kahapon ng umaga.

Kinilala ni Chief of Police Maj Marvin Mara ang biktima na sina Kapitana Editha Zarzuela ng Barangay Plastado sa bayan ng Gerona at asawa na si Edgar Zarzuela, kapwa nasa hustong gulang ng nasabing lugar.

Base sa paunang imbestigasyon ng mga awtoridad ganap na alas-7:20 ng umaga habang pauwi na ang mag-asawa galing sa pagba-bike nang barilin ng malapitan ng dalawang lalaki na armado ng Cal.45 na nakasuot ng bonnet lulan ng motorsiklo na walang plaka.

Kapwa nagtamo ng tig-isang tama ng bala sa dibdib ang mag-asawa.

Samantala, agad naglunsad ng man hunt operation ang mga pulis hingil sa kaso ng pamamaril.
THONY ARCENAL