BROWN LAGLAG SA WORLD ATHLETICS CHAMPIONSHIP

SIBAK si Robyn Brown sa 2023 World Athletics Championship makaraang mabigong umabante sa semifinals ng women’s 400m hurdles noong Lunes ng gabi sa Budapest, Hungary.

Tumapos ang Filipina-American track ace sa ika-7 puwesto sa eight-woman field sa Heat 2 matapos na maorasan ng 56.83 seconds. Ang top four athletes at ang sumunod na apat na pinakamabilis lamang ang makakakuha ng semis berth.

Sa kanilang heat, kinuha ni Janieve Russell ng Jamaica ang top spot na may oras na t54.53 habang pumangalawa at pumangatlo sina Anna Cockrell ng USA (54.68) ar Gianna Woodruff ng Panama (55.31), ayon sa pagkakasunod.

Ang huling puwesto ay nakopo ni Savannah Sutherland ng Canada makaraang maorasan ng 55.85 seconds upang tumapos sa fourth.

Sinamahan ng 29-anyos na si Brown, na siya ring reigning Asian Athletics Championship winner, ang isa pang Philippine bet na si Eric Cray na maagang nasibak sa kontensiyon. Nabigo rin si Cray na makapasok sa semifinals makaraan ang katulad na seventh place finish sa heats noong Linggo.