BSP: MGA SANGLA NA ‘DI NATUBOS SA ECQ ‘DI PUWEDENG MAREMATA

BSP

HINDI maaaring rematahin ng mga sanglaan ang mga ari-arian na hindi nabayaran o natubos sa panahon ng enhanced community quarantine (ECQ), ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Ani BSP Center for Learning and Inclusion Advocacy Pia Roman-Tayag, ang mga transaksiyon sa mga sanglaan ay sakop ng Bayanihan to Heal As One Act.

“Covered din po ang pawnshops, so kung ‘yung schedule po ay dapat nang magbayad at pumatak po nung ECQ, hindi po puwedeng maremata ‘yung pawned item kasi nga may grace period,” aniya.

Ang  Bayanihan to Heal As One Act ay nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Marso, na nagkakaloob sa kanya ng dagdag na kapangyarihan para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Ang implementing rules and regulations (IRR) para sa loan payments ay ipinalabas ng Department of Finance (DOF) noong Abril.

Sa ilallm ng IRR ay may 30-day grace period para sa lahat ng loans na pumatak sa ECQ, kabilang ang sa mga bangko, quasi-banks, financing firms, lending companies, at iba pang financial institutions.

Comments are closed.