BSP MULING MAGTATAAS NG POLICY RATE SA DISYEMBRE

INAASAHANG itataas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa 5.50% ang benchmark interest rate sa bansa sa Disyembre.

Ito ay matapos na itaas ng US Federal Reserve ang interest rates nito sa 75 basis ponts (BPS).

Noong November 17 ay itinaas ng BSP ang overnight borrowing rate sa 5% para matapatan ang US Federal Reserve.

Naniniwala naman ang Fitch Solutions na ang pagiging maganda ng kondisyon ng pananalapi sa mundo at paglago ng ekonomiya ay magdudulot ng pagbagal ng rate hike sa Pilipinas. DWIZ 882