BSP PINAKIKILOS VS TAAS-PRESYO SA PETROLYO

UMAPELA ang isang kongresista sa Bangko ng Sentral ng Pilipinas (BSP) na gumawa ng kaukulang hakbang para mapatatag ang halaga ng piso, na makatutulong upang hindi lubos na sumipa ang presyo ng mga produktong petrolyo, gayundin ang singil sa kuryente at iba pa.

Ayon kay 1-CARE partylist Rep. Carlos Roman Uybarreta, vice-chairman ng House Committee on Energy, isa sa dahilan ng pagmamahal ng oil products at power rate ay ang mababang palitan ng piso sa dolyar dahil ang huling foreign currency ang gamit ng local oil companies sa pag-angkat ng krudo sa pandaigdigang merkado.

Karamihan naman, aniya, sa power plants sa bansa ay diesel ang ginagamit  habang ang iba ay krudo sa paglikha nila ng kuryente.

“A related concern to us is the peso-dollar exchange rate because the continued depreciation of the peso will make imported oil more expensive to us. So we urge the Bangko Sentral and the financial community to be mindful of the inflationary effect of a peso that is too depreciated,” sabi pa ng partylist solon.

Nababahala si Uybarreta sa kasalukuyang lagay ng presyo ng ­langis sa pandaigdigang merkado kung saan ito’y nasa $70 kada bariles at hindi malayong tumaas pa ito sa mga susunod na araw.

“Standard Chartered recently raised its crude oil price forecast, so that is of concern to us here in the Philippines. There are other forecasts and they are varied, but $80 per barrel is probable in 2019. I hope that $80 does not happen this year,” dagdag pa niya.   ROMER R. BUTUYAN